From Korea with Love

"I carry your heart with me… always."

Ang Traje de Boda sa Ukay-Ukay PART 1 (a Halloween Series)

2 Comments

Alas, after what seemed like forever, I’m back!   Yup, you heard me, after my looooooong absence, I’m back and ready to blog (again). ^^ I’m not going to explain (yet) in this post why I was AWOL, but this time, I’m going to try to write a story in Filipino.

Halloween is fast approaching. My imagination is at work, and I have a lot of time to spare this Chuseok holiday… so I thought of coming up with a scary story I shall call “Ang Traje de Boda sa Ukay-ukay” (The Wedding Gown at the Bargain Store). If you are into scary stories and can understand Filipino, check out my story and let me know what you think. (I’m going to post it in parts. If this story is well-received by my Filipino readers, I’m probably going to rewrite it in English for my readers who cannot understand Filipino.)

Here it goes…

PART 1: Ang Babae sa Dilim

Busy ang aming school noon para sa paghahanda sa gaganaping Halloween Party sa Lunes. Hindi lang mga estudyante ng exclusive school kung saan ako nagtuturo ang nire-require na magsuot ng Halloween costumes, kundi pati ang mga teachers at staff. Katatapos lang ng meeting ng mga head teachers kung saan kabilang ako at napagkasunduan namin na ang tema para sa gaganaping Halloween Party ay “Fright Night“.

“Teachers, you should look fabulous in your costumes,” sabi ng school president na napadaan sa conference room habang kami ay nagmi-meeting, “Wear red lipstick, high heels, tall boots, whatever you like… just nothing too sexy.” Napatawa ang lahat. Lalo pa naging masaya ang atmosphere sa conference room ng sabihin ng school president na hindi lang para sa mga estudyante siya magbibigay ng cash prize for Best Halloween Costume kundi pati din para sa faculty and staff.

Napagusapan naming mga magkakaibigan na pumunta sa plaza pagkatapos ng trabaho para maghanap ng Halloween costume. Ako ang napiling emcee sa gaganaping party kaya I told myself, mag-e-effort talaga ako sa isusuot ko.

“Ano ba yan! Kanina pa tayo paikot-ikot dito wala pa din kayong nabibiling costume?” Si Leon iyon, ang nag-iisang lalaki at pinaka-reklamador sa grupo. Siya ang activity coordinator, ang may pakana ng event.

“Bakit kasi sa dinami-dami ng theme eh ‘Fright Night’ ang naisip mo? Ang hirap kaya maghanap ng nakakatakot na costume pag Halloween season. Sold out na dito,” ang sagot ko.

“Leon, manahimik ka, wala naman pumilit sayo na sumama dito. Umuwi kana nga!”  Siya si Celine, ang grade school head teacher na madalas bumara kay Leon kapag tinatablan ng tantrums.

“Bakit ba kasi kailangan niyo pa bumili ng costume? Kapalan niyo lang makeup niyo, nakakatakot na kayo non.”

“Kaya pala ikaw,  hindi na naghahanap ng costume kasi kahit di ka mag-effort, pang-‘fright night’ na face mo!”

“Oo na, Celine… ikaw na ang maganda!”

“Tama na nga yan. Sa mall na lang tayo maghanap,” suwestiyon ni Gene, ang high school head teacher at mediator ng grupo.

“Asan naba si Leina?” Si Leina ang pinaka-kalog sa grupo. Isa siyang athlete at mahusay na singer at dancer. Siya ang P.E. Coordinator sa school.

“Text mo nga. Yun bigla na lang nawawala.”

“Tatawagan ko na.”

Bago pa man ako maka-dial, dumating si Leina, excited na ipakita ang laman ng bitbit niyang plastic. “Meron na akong costume. Tignan niyo, nice diba?”

“Saan ka ba galing? Saan mo binili yan?”

“Sa ukay-ukay. Ang daming damit doon na pwedeng pang-Halloween. Ang mura pa. Ito 50 pesos lang, may pang-vampire na ako.” Proud na proud si Leina habang ipinapakita ang itim na gown na nabili niya. “Actually, dapat 100 pesos ito, pero tumawad ako.”

“So ano tutuloy pa ba tayo sa mall?”

“Try natin sa ukay-ukay. Baka may makita tayo don.”

“Ew, wag naman sa ukay-ukay. Baka kung san pa galing yung mga yun.”

“Ang arte mo talaga, Crystal. Lalabhan mo naman bago mo isuot.”

“Okay, go na. Kung wala pa rin doon, sa mall na tayo.”

Tama nga si Leina. Maraming mabibili sa ukay-ukay, mula damit hanggang sapatos. May mga accessories pa. Yun nga lang, amoy amag sa loob ng shop, pero malinis naman.

Napansin ni Leina na punung-puno ang basket na bitbit ko. “Akala ko ba ayaw mo sa ukay-ukay? Bakit ang dami mong bitbit?”

“Ang mumura kasi. Tignan mo tong mga bracelets na to, tig 10 pesos lang. Itong layered skirt 20 pesos. Ang mga blouses, ang sososyal, 20 pesos din!”

“Kukunin mo lahat yan?”

“Oo, gypsy o kaya voodoo priestess ang concept ko.”

“Hindi naman nakakatakot yun eh. Ikaw ang emcee, dapat ikaw ang may pinaka-nakakatakot na costume.”

“Uhm, tama ka. Sige hanap pa ko.”

Matapos ang ilang minuto, sina Celine at Gene nakapili na. Pati si Leon na walang balak bumili ng costume, may nakita din para sa kanya. Babalikan ko na lang sana ang mga napili ko para sa unang costume na naisip ko, ngunit biglang may pumukaw sa aking tingin. Parang may kung anong puwersa ang humila sa akin papalapit sa isang silid na tambakan ng mga damit. Sa pader ay may nakasabit na wedding gown, lumang-luma na ngunit elegante at napakaganda parin. Dagli ko itong kinuha. Tapos na ang aking paghahanap. Ang wedding gown na iyon ang magsisilbing Halloween costume ko at di ko inakalang iyon din ang magbabago ng aking buhay.

 

Pagkatapos naming mamili, nagyaya si Celine na mag-coffee.

“Okay dun sa ukay-ukay noh? Dun lang pala tayo makakahanap ng costumes, nagsayang pa tayo ng panahon sa plaza.”

“Sabi ko na sa inyo eh. Yung biniling gown ni Crystal ang ganda. Talbog kayong lahat!”

“Patingin nga.”

“Bakit wedding gown? Di naman wedding mo ang pinaghahandaan natin, Halloween party sa school!”

“Ikaw talaga noh, Leon? Lagi kang kontra. Have you watched ‘Corpse Bride’? Yun ang concept ko.”

“Bakit bride pa? Mag-white lady ka na lang o kaya Sadako. Bagay mo naman.”

“Mas gusto ko yung ‘Corpse Bride’ eh. Ikaw, ano yung binili mo?”

“Lumang barong, mag-aala-bangkay ako.”

“Bagay na bagay!” Tawanan ang lahat.

“Mag-mo-mall paba tayo?”

“Ako kailangan ko mag-grocery.”

“Sweldo ngayon!” Sabay-sabay nilang sabi.

“Di na ko sasama kasi ipapa-ayos ko pa tong gown na nabili ko,” sambit ko.

“Mukha namang walang diprensya ah.”

“Ipapaputol ko lang kasi ang haba.”

“Okay, kita-kits bukas, Corpse bride!” Mukhang may bagong pet name ang barkada sa akin.

 

Bago umuwi ay tumungo ako sa suki kong mananahi.

Nang ilabas ko ang wedding gown, ito ang kanyang reaksyon, “Naku, ikakasal ka na ata.”

“Hindi pa po, para po iyan sa Halloween party sa school. Ipapaputol ko lang.”

“Ganun ba? Sige, isuot mo para makita ko kung gaano kahaba ang puputulin ko.”

“Huwag na po, Hindi pa po yan nalabhan. Sa ukay-ukay ko po yan nakuha, medyo may amoy eh.”

“May amoy nga. Sige, ilapat mo na lang sa harap mo.” Hinanda ni Aling Tinang ang kanyang mga sewing pins, “Teka, hindi na ito kailangang putulin. Sakto lang sa iyo ang haba.”

“Sigurado po kayo? Sobrang haba po niyan.”

“Anong sobrang haba? Ayan tignan mo nga. May tastas lang ng kaunti. Tatahiin ko lang yan, ayos na. Hintayin mo na, sandali lang ito.”

 

Habang tinatahi ni Aling Tinang ang wedding gown ay napaisip ako at takang-taka. Sigurado akong mahaba ang gown na iyon at wala itong tastas ng kinuha ko ito. Nakita pa nga ito ni Leina bago ko bayaran.

Flashback sa ukay-ukay…

“May napili kana? Nasa labas na sila hinihintay tayo.”

“Oo, wait lang, babayaran ko lang mga kinuha ko.”

“Yan ba ang costume mo? Ang bongga naman niyan! Para kang ikakasal.”

“Wedding gown kaya ito!”

“Like ko yang costume mo… ghost bride, nice!”

“I prefer to be called… the ‘Corpse bride’!” Minodel-model ko ang gown habang hawak ko ito, “The problem is, mahaba masyado. Sino kayang nagsuot nito? Ang tangkad na babae siguro non.”

“Paputol mo na lang. Turn mo na, magbayad ka na.”

Habang nagfla-flashback sa akin ang pag-uusap namin ni Leina sa ukay-ukay, nagulat ako sa pagtapik ni Aling Tinang sa aking balikat.

“Uy, ang lalim ata ng iniisip mo.”

“Ha? Ano po iyon?”

“Ang sabi ko tapos na ang gown mo.”

“Ah, salamat po. Magkano po?”

“Bente.”

Hindi ko maalis sa isip ko ang tungkol sa wedding gown. Hindi ako makatulog kaya tinext ko si Leina.

1

2

Pagkatapos ng maikling paguusap namin ni Leina sa text, hindi ko na masyadong binigyang pansin ang nangyaring kawirduhan sa dress shop. Tinanggal ko ang wedding gown sa plastic at nilipat ito sa isang malaking paper bag. Dadalhin ko ito sa laundromat bukas. Mayamaya ay nakatulog na ako.

“Ate, Ate! Binangungot ka ata. Sigaw ka ng sigaw!”  Ginising ako ng aking nakababatang kapatid na kasama ko sa kwarto.

“Ha? Anong binangungot?”

“Napano kaba? Kung anu-ano pinagsasabi mo!”

“Ano ba sinabi ko?”

“Ewan ko. Hindi ko maintindihan. May exam pa ko bukas. Sana naman huwag kana bangungutin.”

“Sorry, sige tulog kana ulit.”

Lumabas ako papunta sa kusina para uminom ng tubig. Napakadilim sa kusina, parang nanibago ako. Hindi naman kasi ganoon kadilim doon dahil maliwanag ang ilaw sa garahe ng kapitbahay. Ng buksan ko ang ilaw sa kusina, may malamig na ihip ng hangin akong naramdaman sa aking batok. Nagmadali akong kumuha ng isang basong tubig at tumungo sa aking silid. Pagbukas ko sa pintuan ng kwarto ay tumambad sa akin ang mukha ng isang babae. Kakila-kilabot ang kanyang itsura at galit na galit nitong binigkas ang mga katagang, “Magbabayad kayo!” Sa takot ko ay nabitawan ko ang basong hawak ko. Tinakpan ko ang aking mga mata. Gusto kong sumigaw pero hindi ko ito magawa.

“Ate, Ate! Binangungot ka ata. Sigaw ka ng sigaw!”

“Ha? Anong binangungot?”

“Napano kaba? Kung anu-ano pinagsasabi mo!”

“Ano ba sinabi ko?”

“Ewan ko. Hindi ko maintindihan. May exam pa ko bukas. Sana naman huwag kana bangungutin.” Teka, parang pamilyar ang mga salitang iyon.

Bago bumalik sa kanyang kama ang aking kapatid, binalikan niya ako ng tingin, sabay sabi, “Tsaka, ate, hubarin mo nga yang  gown na suot mo. Para kang ibuburol!”

tumblr_m4ykyyA9QZ1rv9haro1_500

(Photo from Tumblr)

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

2 thoughts on “Ang Traje de Boda sa Ukay-Ukay PART 1 (a Halloween Series)

  1. Love it ate.
    Waiting for the next chapter♡

    Like

  2. babasan kw oneng mebitin ku keng istoria na, i guess ing istoria dumurut ya keng kahindik-hindik a revenge na ning makibandi keng gown na mete keng murder kaibat bandang tawli i ctistal din ing maka splve keng murder case na ning owner naning gown kc ya ing gamitan ng living winess keng crime,

    Like

Tell me what you think... ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s