From Korea with Love

"I carry your heart with me… always."

Ang Traje de Boda sa Ukay-ukay PART 2

3 Comments

Part 2: Ang Babae sa Litrato

“Crystal, bumangon kana. Hindi kaba papasok?” Si Mommy ang wake-up call ko tuwing umaga. Walang silbi ang alarm sa phone sa himbing ng tulog ko. “Pasado alas siyete na, kumilos kana dyan.”

“Ha? Mommy naman, bakit po hindi niyo ako ginising agad? Male-late ako nito.”

“Aba, ewan ko sayo, kanina pa kita ginigising ayaw mo bumangon!”

Sa pagmamadali kong mag-shower at magbihis, hindi ko na naalala ang nangyari kagabi hanggang mapag-usapan ito sa oras ng almusal.

“May sakit kaba?”, tanong ni mommy.

“Wala po, napuyat lang.”

“Excuse me, hindi lang ikaw ang puyat. Pati ako pinuyat mo.”, reklamo ng kapatid ko.

“Bakit naman?”

“Kasi yan mommy parang baliw, sigaw ng sigaw kaninang hating gabi.”

“Sana ginising mo, baka nananaginip ng masama.”

“Ginising ko nga po.”

“Sure ka, ginising mo lang ako, hindi pinagtripan?”

“Anong pinagtripan?”

“Eh diba nga suot-suot ko yung wedding gown? Ikaw siguro may kagagawan non. Gumaganti ka kasi last time, tinakot kita sa banyo.”

“Sa tingin mo pag-aaksayahan kita ng time pagtripan sa ganung oras?”

“So paano nangyari na gumising ako na iba ang suot ko?”

“Ay, nababaliw na nga itong si Ate, Mommy. Patingin niyo na sa psychiatrist bago lumala.”

“Kunwari kapa dyan!”

“Tama na, sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa. Ikaw, Crystal, diba sabi mo male-late kana?”

“Yes, I have to go.”

“Mag-almusal ka muna.”

“Sa school na lang po, mommy.” Nagpaalam na ako, kinuha ang aking mga gamit at tumakbo papunta sa aking kotse. Habang ako ay nag-da-drive, sumagi sa aking isipan ang sinabi ng aking kapatid na si Mika: “Sa tingin mo pag-aaksayahan kita ng time pagtripan sa ganung oras?”

Madalas naming i-prank ang isat-isa. Kapag nabuking si Mika, umaamin naman agad. That was the first time na hindi siya umamin.

“In fairness, ibang level and prank niya at galing ng acting ha?”, sabi ko sa aking sarili… but at the back of my mind, palaisipan parin kung paano niya nagawang ipasuot sa akin ang gown na hindi man lang ako nagising.

Sa school…

“Buti na lang nakaabot ako sa morning assembly. Akala ko male-late ako.”

“Hindi ka paba late non? Delayed lang ang morning assembly kaya nakahabol ka.”

“At least nakahabol.”

“Paki-check mo nga itong invitation for the Halloween party para ma-submit ko na.”

“Palitan mo yang ‘Be scared’ para ka naman nananakot.”

“Halloween nga diba?”

“Mas maganda kung ‘Be spooked’ na lang.”

“I like that. Ang galing mo talaga! Pwede bang paki-check na din itong program?”

“Hoy, Leon! Abuso na yan ha!”

“Ikaw naman ang English coordinator atsaka wala kang first class, right?”

“Oo na, che-check ko na po.”

“Thanks, Corpse bride!”

Ilang minuto pa, nag-ring na ang bell. Nagsipuntahan na ang mga teachers sa kani-kanilang mga classrooms. Dalawa lang kami sa opisina ng high school department ang walang first class, ako at si Leina. Late si Leina ng araw na iyon kaya naiwan ako mag-isa sa opisina. Habang chine-check ko ang program na iniwan ni Leon, bigla na lang bumagsak ang picture frame na nasa mesa ng isa sa mga teachers. Pinulot ko ito, isang wedding photo ng isang teacher sa aming departamento na ikinasal a few months ago. Nagkalat ang bubog ng salamin ng picture frame sa sahig kaya kumuha ako ng walis at dustpan. Matapos kong walisin ang mga bubog ay inayos ko ang litrato sa frame. Laking gulat ko ng muli kong tignan ang litrato. Ang babaeng nasa picture ay ang babaeng nakita ko sa aking panaginip! Suot niya ang wedding gown na nabili ko sa ukay-ukay! Natakot ako kaya naihagis ko ang frame.

“Hala, anong ginawa mo?”, dumating na si Leina, “Bakit mo ito hinagis? Sabi ko na nga ba, di mo din feel yang si Teacher Raquel.”

“Nagulat kasi ako.”

“Grabe ka naman, ganyan ba ka-pangit si Teacher Raquel? Ugali lang nun ang pangit, pero may itsura naman.”

“Hindi, may nakita akong kakaiba.”

“Ano?”, pinagmasdan ni Leina ang picture. “Wala namang kakaiba sa picture na to maliban sa gown niya.”

Inabot ni Leina sa akin ang litrato at muli ko itong tinignan. Wala akong ibang nakita kundi larawan nina Teacher Raquel, suot ang kanyang pulang traje de boda (Yup, you heard me right! Pulang wedding gown, parang yung kay Regine Velasquez.), at ng kanyang asawa na naka-silver gray na tuxedo.

“Eto pandesal mo. Kumain ka na baka gutom lang yan.”

“Salamat.”

“Sa susunod wag kana pabili ng pandesal sa akin. Na-late tuloy ako ng dahil dyan.”

“Sorry, last na to. Uhm, Lei…”

“O?”

Sasabihin ko sana kay Leina ang totoong nangyari, pero naisip ko na baka namilikmata lang ako.

“Ah, wala… ask ko lang kung gusto mo ng pandesal.”

Hindi maalis sa aking isipan ang babae sa litrato. Sino siya at bakit siya nagpapakita sa akin? Sa tuwing mapatingin ako sa paper bag kung saan nakalagay ang wedding gown ay kinikilabutan ako. Simula ng binili ko ang gown na iyon, kung anu-ano na ang nakikita ko.

“Ah hindi, imahinasyon lang lahat, puyat o kaya stress.”, paulit-ulit kong sinabi sa aking sarili.

Nagdalawang isip ako kung isusuot ko pa ang wedding gown na iyon, pero malapit na ang Halloween party at sa sobrang dami ng paperwork na kailangang tapusin, wala akong panahong maghanap ng panibagong costume. Tumuloy parin ako sa laundromat pagkatapos ng trabaho para ipa-dry clean ang wedding gown. Kinaumagahan ng Sabado ay ready na ito for pick-up. Namangha ako ng makita ko ang wedding gown. Napakaganda pala talaga nito. Puting-puti at detailed ang embroidery. Pinuri ko ang dry-cleaning worker na siya ding nag-abot ng gown sa akin at binigyan siya ng malaking tip.

“Paano niyo po ito napaputi ng ganito? Nagmukhang bago.”

“Konting linis lang ang ginawa ko, ma’am. Hindi naman po ganun karumi.”

“Salamat po, Kuya. Irerekomenda ko po kayo sa mga kaibigan ko.”

“Sige po, ma’am. Sabihin niyo lang po Boyet sa staff namin para po sa akin ibigay ang ipapa-dry clean ninyo.”

Sa tuwa ko, hindi ko na inisip ang mga pangyayari noong mga nakaraang araw. Pag-uwi ng bahay, agad kong sinukat ang wedding gown.

“Wow, you look stunning, anak. Sana ikasal kana this year. Pwede mo ng gawing wedding gown iyan. Bagay na bagay sayo.”

“Mommy talaga. Kapag kinasal po ako, syempre gusto ko ako ang unang magsusuot ng wedding gown ko. May nagsuot na po nito eh.”

“Saan mo ba yan galing?”

“Sa ukay-ukay po.”

“Hindi mukhang galing sa hukay.”

“Mommy, ukay-ukay… hindi hukay.”

“Yun nga, ukay-ukay means galing sa hukay.”

“Urban legend lang po yun na kinukuha sa mga patay ang binebenta sa ukay-ukay. Tinawag na ukay-ukay ang mga bargain stores na tulad nung pinagbilhan ko nito kasi hinahalukay ang mga paninda.”

“O siya, sige, magluluto pa ako.”

“Wait lang po, kuhanan niyo naman ako ng picture.”

Pag-alis ni mommy, nakailang selfie pa ako bago ko hubarin ang wedding gown. Isinabit ko sa hanger ang gown at tinabi na ito sa closet, tsaka tinignan ang mga pictures sa phone.

“Bakit ganon? Blurry lahat ng kuha? Sayang naman.”

Inilaan ko ang buong gabi sa paggawa ng test papers na due sa Lunes. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako sa harap ng computer. Naalimpungatan ako dahil sa isang malakas na tunog. Galing iyon sa labas, tunog ng sasakyang nagsalpukan. Binuksan ko ang bintana at sumilip sa labas upang makita kung may aksidente nga. Wala, wala akong nakita o nadinig pa. Tahimik sa kalsada at wala ni isang sasakyan ang nandoon.

“Just another weird dream.”, bulong ko sa aking sarili.

Isang malamig na ihip ng hangin ang aking naramdaman. Sinara ko ang bintana pero malamig parin. Ng mapatingin ako sa computer screen, nakita ko ang babaeng naka-wedding gown na nakaupo sa sofa sa tapat ng computer. Nakatitig siya sa akin. Gusto kong tumakbo, pero hindi ako makakilos. Gusto kong sumigaw, pero hindi ko magawa. Unti-unti siyang tumayo sa kanyang pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagdasal na sana ako ay binabangungot lang, ngunit ramdam ko ang kanyang paghinga habang siya ay papalapit ng papalapit. Ramdam ko na magkatapat ang aming mga mukha. Ramdam ko ang lamig ng kanyang katawan. Ramdam ko ang kanyang pagbulong, ngunit hindi ko mawari kung ano ang kanyang mga ibinubulong.

2

(Photo from Photobucket)

“Crystal! Crystal!”

“Ate! Ate!”

Alalang-alala sina mommy at Mika habang ginigising ako. Nagising akong tagaktak ang pawis at hinihingal. Yumakap ako kay mommy. Si Mika naman ay tumakbo sa kusina upang kumuha ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay kumalma din ako at kinuwento ang nangyari.

“Mukhang napapadalas na yang mga bangungot mo, Ate.”

“Kaya nga, magmula ng binili ko yung wedding gown, kung anu-ano na ang mga nakikita at napapanaginipan ko.”

“Saan mo ba nakuha yun?”

“Sa ukay-ukay.”

“Naku, baka parang si Anabelle yan!”

“Sinong Anabelle?”

“Yung sa movie na haunted doll. Pumasok yung bad spirit sa doll and nagpapakita yung ghost nung namatay na batang si Anabelle sa…”

“He, tumigil ka nga! Lalo mong tinatakot ang ate mo. Hindi totoong may multo.”

“If I were you, ate, itatapon ko ang gown na yon.”

“Bakit itatapon? Sayang!”

“Mommy, 100 pesos ko lang po nabili yon. I should just get rid of it.”

“Ikaw ang bahala, but it was you who told me na urban legend lang ang ukay-ukay galing sa hukay, hindi ba ?”

Matagal na rin akong di nagsisimba, pero paladasal naman ako. What has been happening to me recently drove me to visit church the next day. Paglabas ko ng simbahan, may tumawag sa pangalan ko. Sina Celine at Gene pala.

“Text kami ng text sayo, bakit di ka nagre-reply?”

“Wala naman akong narereceive na text from you. This morning ba?”

“Kagabi, yayayain ka sana namin mag-clubbing.”

“Ah, sorry… nakatulog ako sa kakagawa ng test papers.”

“Anong nakatulog? Eh send ka ng send ng pictures.”

“Anong pictures?”

Kinuha ni Celine ang kanyang cell phone para ipakita sa akin ang aming group chat. “Heto, inulan mo kami ng pictures suot ang Corpse bride costume mo.”

Nanghina ako sa aking nakita. Ang picture na kinuha ni Mommy at ang mga selfies ko suot ang wedding gown ay nandoon lahat sa group chat, hindi blurry tulad ng nakita ko noong first time kong tignan ang mga ito. Lahat ng kuha maliwanag, ngunit wala ni isang picture ang nakangiti ako.

Paano iyon nangyari? Sino ang nag-send ng mga litratong iyon?

Lalo pa akong nanlumo ng makita ko ang huling picture… nakaupo ako sa sofa sa tapat ng computer na tila ba may tinititigan.

4

(Photo from Tumblr)

P

Advertisements

3 thoughts on “Ang Traje de Boda sa Ukay-ukay PART 2

  1. Part 3 part 3 part 3 🙂 heheheh

    Like

  2. Part 3 please!!!! Awesome 🙂 nakaktakot !!!
    Very detailed! Job well done !

    Like

  3. OmayG!!!
    Nakakatakot na.hahahha!!!
    Next po please♡

    Like

Tell me what you think... ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s