From Korea with Love

"I carry your heart with me… always."

Ang Traje de Boda sa Ukay-ukay PART 3

Leave a comment

3

PART 3: Hagulgol

“Kanina kapa nakakulong sa kwarto mo. Hindi ka man lang bumaba para maghapunan.” Pinuntahan ako ni Mommy sa kwarto dala ang isang tray ng pagkain. “Heto ang gatas at paborito mong pandesal. Kumain ka kahit konti.”

“Thank you po.” Kumagat ako ng konting pandesal at uminom ng gatas. Sa sobrang takot ko kanina ng makita ko ang mga pictures sa group chat, hindi ko naramdaman ang gutom kahit wala akong kinain buong araw.

“Yung cell phone mo kanina pa tunog ng tunog. Hindi mo ba sasagutin?”

“Mga reminders lang po yan, Mommy.”

“Basahin mo baka naman importante.”

“Mamaya na lang po, pagkatapos kong kumain.”

Umupo si Mommy sa tabi ko at hinaplos niya ang aking buhok. “You know you can tell me everything, right? Ano ba ang problema, anak?”

“Mommy, naniniwala po ba kayo sa multo?”

“Hindi. Noong mawala ang daddy niyo, ilang beses kong pinagdasal na sana magparamdam siya sa akin, but it never happened.”

“Kahit minsan hindi niyo po ba naramdaman ang presence niya?”

“No, but I felt that his soul is at peace, kaya kung totoo mang may multo, hindi na niya kailangang bumalik dito at magparamdam.”

“Paano naman yung mga hindi matahimik na kaluluwa? Hindi po ba sila yung mga bumabalik at nagpaparamdam?”

“Hay nako, anak! Hanggang ngayon ba naman naniniwala kapa sa mga kwentong ganyan?”

“Kasi po…”

Just then, narinig naming may nagbubukas ng gate sa labas.

“Si Mika na siguro yan. Iwan muna kita diyan. Pagsasabihan ko lang itong kapatid mong umuwi ng late.”

“Bakit ang hirap i-explain ng mga nangyayari sa akin ngayon? Hindi ko pa nga sinasabi lahat, ayaw na nila maniwala,” naghihimutok kong sinabi sa aking sarili.

Beep! Beep! Beep!

Walang tigil sa pagtunog ang cell phone ko. Ayokong buksan ang mga messages sa group chat namin ng mga kaibigan ko dahil sa takot na baka kung anong pictures na naman ang makita ko.

“Sorry, guys… I’ll have to leave the group chat.”

Maya-maya, may natanggap akong text mula kay Gene.

2

3

4.jpg

5

“Ang daming missed calls from Leon…”

2

2bc

“I think I should text him. Baka akala niya I’ll be a no-show sa Halloween party bukas…”

6

7

Tinext ko din sina Celine and Leina to tell them na okay lang ako. I decided not to bring up the wedding gown. Just talking about it would send shivers down my spine. Pagkatapos kong magdasal, natulog na ako.

 “Ate, wake up, please,” bakas ang takot sa boses ni Mika ng gisingin niya ako. “Naririnig mo ba yun?” Antok na antok ako kaya hindi ko siya pinansin, pero palakas ng palakas ang tawag niya at pagtapik sa akin kaya bumangon din ako.

“Ate, may umiiyak sa labas. Naririnig mo ba?”

Sa mga oras na iyon, gising na gising na ako. Dinig ko din ang pag-iyak ng isang babae. Nanggagaling ito sa labas ng aming kwarto.

“Ate, natatakot ako!” Napayakap si Mika sa akin, ayaw bumitaw, nanginginig sa takot.

“Shh! Tahimik ka lang. Kunwari wala kang naririnig.”

Palakas ng palakas ang pag-iyak parang umuungol na bagyo. Bumukas ang bintana at isang malamig na ihip ng hangin ang pumasok sa loob. Namatay ang ilaw ng lampshade na madalas nakakaligtaang patayin ni Mika. Kasabay noon ang pagbukas ng closet sa kwarto. Ang pag-iyak ay hindi na ngayon nanggagaling sa labas. Umaalingawngaw ito sa bawat sulok ng silid.

“Mommy! Mommy!” Sigaw ng sigaw si Mika.

“Panaginip lang to. Panaginip lang to,” paulit-ulit kong sinabi. Sa higpit ng yakap ng kapatid ko, alam kong hindi ako nananaginip.

Napasugod si Mommy sa kwarto, may hawak na kandila. Lalo pang napasigaw si Mika dahil nagulat siya kay Mommy.

“Napano kayo?”

“Mommy, may multo! May multo!” Umiiyak si Mika.

“Kayo ha? Itigil niyo na yang multo-multo na yan! Ang hilig-hilig niyong manood ng mga nakakatakot kaya kung anu-ano napapanaginipan niyo!”

“Hindi po nanaginip si Mika, Mommy. Pareho po kaming may narinig.”

“Please, buksan niyo na yung ilaw!”

“Blackout, kaya nga may dala akong kandila.”

“Ano ba narinig niyo?”

“Babaeng umiiyak…”

“Tapos bumukas bigla ang bintana at yang closet.“ Tinuro ni Mika ang closet kung saan ko tinago ang wedding gown.

“Hangin lang yun.”

“Mommy naman! May hangin ba na pati ang closet kayang buksan?”

Biglang sumindi ang ilaw ng lampshade, kaya napasigaw ulit si Mika.

“May kuryente na,” sabi ni Mommy. Hinipan niya ang kandila at binuksan ang ilaw.

“Mommy, ayaw kong matulog dito.”

“Mika, wag mo naman ako iwan mag-isa!”

“O siya, dun na lang kayo sa kwarto ko matulog. Tabi-tabi tayo don.”

Agad na tumayo si Mika bitbit ang kanyang unan. Lumapit ako sa closet para inspeksyunin ito. Tumambad sa akin ang wedding gown na noo’y nakasabit sa pinakaharap ng iba pang mga damit. Napaurong ako. Hindi ko doon nilagay ang gown, kundi sa pinaka-likuran.

“Ate, akala ko ba ayaw mong maiwan dito?”

“Halika nga, samahan mo ako sa labas.”

“Ayoko nga!”

“Gusto mo bang balikan tayo ng multo na yon?”

“Ayaw!”

“Kung ganon, kumuha ka ng posporo at samahan mo ako sa labas.”

Paglabas namin sa bahay…

“Ano ba ang gagawin natin dito? Bakit dala-dala mo yang gown na yan?”

“Susunugin natin ang gown. Palagay ko, patay na ang dating may ari ng gown na ito and for some reason, hindi matahimik ang kaluluwa niya.”

“Ate naman, huwag kang manakot! Kinikilabutan na ako. Pumasok na tayo sa loob, please.”

“We need to get rid of this gown right now! Hindi tayo titigilan ng multong narinig natin kanina hanggat nandito ang gown na ito, kaya imbesna mag-inarte ka diyan, buksan mo na yang grill!”

Tinapon ko ang wedding gown sa barbecue grill at binuhusan ito ng gasolina. “Nasan ang posporo? Sindihan mo na yan.”

Unti-unting natupok ng apoy ang gown. Pinagmasdan ko ito hanggang sa ito’y maging abo.

“Sorry, ate, tinawag kitang baliw. After all you’ve been through for the past two years, dapat naging mas sensitive ako sa feelings mo.”

“For the past two years?”

“Ah, wala… wala yon! Nag-da-drama lang. Pasok na tayo sa bahay.”

“Mauna ka na. Papatayin ko lang itong apoy.”

Hindi ko sineryoso ang sinabi ni Mika. I felt relieved na wala na ang misteryosong wedding gown.

“I will finally have peace of mind,” bulong ko sa aking sarili.

Kinabukasan, busy ang lahat ng teachers sa school. Nagsabay ang preparation para sa Halloween party at ang deadline sa pag-submit ng test papers. Half-day lang ang klase kaya after lunch, nagkaroon kami ng pagkakataon ng aking mga kaibigan na mag-usap.

“Crystal, ano nga pala yung sasabihin mo sa amin?” Mabuti naman at naalala ni Gene. Gustong-gusto ko na talagang sabihin sa kanila ang lahat.

“I think may nagmumulto sa akin.”

Nagtinginan sila.

“Sino?”

“Hindi ko alam. It all started with the wedding gown.”

“Paano mo naman nasabi na may nagmumulto sayo?”

“Remember the pictures? Yung sinabi ko sayo kagabi, Gene?”

“Ah, yung pictures na hindi ikaw ang nag-send?” Si Leon ang sumagot. He sounded skeptical.

“Oo… teka, nabanggit ko ba sayo yon?”

“Sorry, Crystal, I told them about it,” paliwanag ni Gene.

“Baka sister mo ang nag-send. Baka isa na naman yon sa mga pranks niya,” sambit ni Celine.

“No, she wouldn’t admit it. Tsaka hindi lang yon. Kagabi, nagparamdam sa aming dalawa yung multo. Takot na takot nga si Mika. Sigaw ng sigaw.”

“Nakita niyo ba?”

“Hindi, narinig naming umiiyak, pero ilang beses ng nagpakita sa akin yung babaeng naka-wedding gown.”

“For real? Katakot naman yan!”

“Kasalanan mo yan, Leina. Kung hindi ka nagyaya sa ukay-ukay, hindi madi-discover ni Crystal yung wedding gown na yon.”

“Aba, malay ko ba na haunted pala yung gown?”

“So anong balak mong gawin sa gown?”

“Pa-bless mo kaya sa simbahan bago mo isuot?”

“You think isusuot ko pa yon? Wala na, sinunog ko na!”

“Good!” Pumalakpak si Leon. “Unang kita ko pa lang sa wedding gown na yon, may negative vibe na agad.”

“Wala na pala ang gown, so cheer up na ha? Ilang araw ka ng mukhang nag-le-labor! Ngumiti kana, Crystal,” pabirong wika ni Leina.

Kaming lima lang ang nasa opisina, pero napaka-ingay sa loob. Muling napuno ng tawanan at di matapos-tapos na asaran at biruan ang buong opisina.

“Sa wakas, wala na ang babaeng naka-traje de boda,” wika ko.

Pasado alas-dos ng matapos naming ihanda ang mga goodie bags para sa trick-or-treat. Lumabas ng opisina sina Gene, Celine at Leina para ayusin ang stage kung saan gaganapin ang isang program bago ang party. Naiwan kami ni Leon sa opisina para magligpit.

“Leon, itong mga natirang candies saan ko ilalagay?”

“Ilagay mo sa box, pandagdag natin sa prizes mamaya.”

Nang buksan ko ang kahon, nagimbal ako sa aking nakita. Nasa loob ng kahon ang wedding gown, buong-buo at walang sunog o sira!

“Crystal, bat ka namumutla? Para ka na namang nakakita ng multo!”

Sa labis na pagkagulat, hindi ako makapagsalita. Kinuha ko ang box at dali-dali ko itong sinakay sa kotse. Hinabol ako ni Leon hanggang sa parking lot.

“Crystal! Saan ka pupunta?”

“Mamaya ko na explain. I really have to go. Babalik ako agad.”

Nagpumilit na sumama si Leon, pero pagkasakay ko, mabilis kong hinarurot ang kotse papunta sa simbahan. Habang papalapit na ako sa aking destinasyon, tila ba may nakatitig sa akin sa backseat, kaya tingin ako ng tingin sa driving mirror. Tumayo ang balahibo ko ng aking maramdaman ang malamig na kamay na dumapo sa aking braso. Sa aking pagkagimbal, muntik ng sumalpok sa poste ang kotse. Buti at na-ipreno ko agad ito. Ramdam na ramdam ko ang mahigpit na pagkakahawak ng multo sa akin. Hinaplos ko ang aking braso. Kumikirot ito sa sakit.

Nang sumulyap ako sa aking likuran, nandoon siya… ang babae sa dilim, ang babae sa litrato, ang babaeng gumimbal sa akin hindi lamang sa panaginip kundi maging sa paggising ko! Noon ko lang nakita ng maliwanag ang kahindik-hindik niyang anyo. Basag ang kanyang mukha. Wasak ang isa niyang mata. Napakarami niyang sugat. Punong-puno ng dugo ang suot niyang wedding gown. Binuksan niya ang kanyang bibig at tila ba may sinasabi. Tinakpan ko ang aking mga mata at sumigaw ng, “Tama na! Tigilan mo na ako!”

Biglang may kumatok sa sasakyan, “Miss, bawal mag-park dito. Private property ito.”

Noong tumingin ako muli sa aking likuran, wala na ang babaeng naka-traje de boda. Ang kahon ang tanging nakita ko, ang kahon kung saan nakalagay ang wedding gown.

Pagdating sa simbahan, agad kong hinanap ang pari. Nang aking buksan ang kahon, wala ang wedding gown!

“Bakit wala? Bakit wala?”

“Huminahon ka,” sabi ni Father Joseph. “Anong maitutulong ko sa iyo?”

Ipinaliwanag ko kay Father Joseph ang lahat. Sa kauna-unahang pagkakataon, may nakinig at naniwala sa akin ng walang pag-aalinlangan.

“Tama ang iyong ginawa na sa simbahan ka tumuloy. Kailangang hanapin mo ang traje de boda at dalhin ito dito sa lalong madaling panahon. Sa iyong mga sinabi, ang espiritung ito ay hindi pangkaraniwan. Kaya niyang manakit ng tao.”

“Anong multo ang kayang manakit ng tao, Father? Hindi po ba nagpaparamdam o nagpapakita lamang sila?”

“Marahil isa itong vengeful spirit. Hindi matatahimik ang kaluluwang ito hangga’t hindi siya nakakapaghiganti.”

“Kanino? Bakit ako ang binabagabag niya?”

“Dalawang bagay, maaaring may kaugnayan ka sa kaluluwang ito o kaya ay kailangan niya ang tulong ng isang taong tulad mo.”

Dumiretso ako sa bahay, nagbabakasakaling naroon ang wedding gown, pero wala ito doon. Nagpasya akong magtungo sa ukay-ukay kung saan ko ito nabili. Tinanong ko ang aleng nagbenta sa akin nito kung saan niya galing ang gown.

“Sa dinami-dami ng inihahatid na damit sa akin dito, matatandaan ko ba yang gown mo?”

Naalala ko na meron akong picture suot ang gown na iyon, kaya pinakita ko ito sa kanya.

“Medyo malabo po ang kuha, pero maaaninag niyo naman ang gown.”

“Ah, iyan pala yun. Yan ata yung wedding gown na galing sa ibang bansa. Naka-box pa yan ng hinatid dito.”

“Paano niyo po nalaman na galing sa ibang bansa?”

“Hindi namin maintindihan ang nakasulat sa kahon eh. Ibang lengguwahe.”

“Pwede ko po bang makita ang box na yon?”

“Wala na dito. Hiningi ni Kaloy.”

“Sino pong Kaloy? Pwede ko po ba siyang maka-usap?”

“Isa sa mga suppliers ko yun… dati. Halos dalawang taon na siyang hindi naghahatid ng mga damit dito. Bigla na lang tumigil.”

“Kailangan ko po siyang maka-usap. Baka po may cell phone number siyang iniwan sa inyo?”

“Bakit ba ang dami mong tanong tungkol sa gown na yun?”

“Please po… babayaran ko ng mas mahal ang gown.”

“Sandali!” Hinanap ng ale ang numero ni Kaloy sa kanyang cell phone at sinulat ito sa isang papel. “Subukan mong tawagan ang numerong iyan.”

“Salamat po. Magkano po ang gown?”

Nag-isip muna ang ale tsaka niya sinabi, “Limang libo na lang.”

“Ho? Eh 200 pesos lang ang benta niyo don.”

“Diba ang sabi mo babayaran mo ng mas mahal? Antique ang gown na yun, mamahalin.”

“Babayaran ko na po.” Hindi na ako nakipagtalo pa. All I wanted was to solve the mystery behind that wedding gown. Kukunin ko sana ang aking pitaka, pero hindi ko pala dinala ang aking bag sa pagmamadali ko kanina. “Nakalimutan ko ang pitaka ko. Pwede po bang mamaya ko na bayaran?”

“Naku, yan na nga ba ang sinasabi ko! Kinulit mo ako ng kinulit tapos i-scam mo lang ako?”

“Hindi po! Nakalimutan ko lang talaga ang pitaka ko. Wala po akong dalang pera ngayon.”

“Akin na nga yan!” Biglang hinablot ng ale ang papel na binigay niya sa akin.

“Kailangang-kailangan ko ang numerong iyan, kung pwede po sana ibigay niyo na.” Hindi ako pinansin ng ale.

“Heto po and ID ko. Dyan ako nagtatrabaho,” Hinubad ko ang teacher ID na suot-suot ko at inabot ito sa kanya, “Itago niyo ho muna ang ID ko hanggat hindi ako nagbabayad.”

“Ah hindi! Balikan mo na lang kapag may pera kana.”

Gusto kong tawagan si Kaloy noong araw ding iyon, pero hindi ko ito mababalikan agad dahil kailangan ko ng pumunta sa school para mag-emcee.

“Ganito na lang po. Magpapahatid ako ng pera mamaya sa isa sa mga kaibigan ko. Leina ang pangalan niya. Kasama ko po siya noong nagbayad ako ng mga pinamili ko. Ibigay niyo na lang ang numero sa kanya.”

“Sige. Teka, wala naman akong nakitang kasama mo noon.”

“Ho? Apat silang kasama ko noon at namili din po sila sa shop ninyo.”

“Ewan ko sayo! Sige na, umalis ka na. Ang daming nakapila oh?”

“Wala daw akong kasama noon,” bulong ko sa aking sarili, “Hindi lang masungit ang ale na yon, ulyanin pa.”

Naka-daming missed calls na ako mula kay Leon at tinext na din ako ni Gene.

a

Pagdating ko sa school, agad na sumalubong sa akin sina Gene, Celine at Leina. Si Leon ay busy backstage.

“She’s here!” Pumalakpak ang tatlo.

“Grabe ka noh? Di ka man lang nag-reply or tumawag para sabihing, ‘Buhay pa ko. Darating din ako. Huwag kayong mag-panic.’ Hayun si Leon, puntahan mo na. Kanina pa yun namrumrublema kung sino ang mag-e-emcee!” May pagkabahala at konting galit sa boses ni Leina.

“Sorry, girls. May kailangan lang talaga akong gawin.”

Agad kong nilapitan si Leon. “Leon, I’m here. Sorry.”

“Naku, mamaya kana magpaliwanag. We need to start the program now. Are you ready?”

“Super ready!”

Paglabas ko sa stage, naglaho na parang bula ang lahat ng takot at pagkabahala sa dibdib ko. Nag-focus ako sa pag-e-emcee  and everything went well. Halos isang oras ang tinagal ng program dahil bawat klase ay may hinandang Halloween performance. Pagkatapos noon, nagsama-sama ang lahat para sa isang magarbong potluck.

Habang nagsasalo-salo kaming lima, pinaliwanag ko sa kanila kung bakit ako biglang umalis kanina at ang dahilan kung bakit hindi ako nakabalik agad sa school.

“I want to call that Kaloy now,” sabi ko, “Pwede ba akong umalis muna to get his number? I’ll be back soon.”

“No way!” Halos sabay-sabay silang nagsalita.

“Hindi pa tapos ang party. Kailangan ka pa dito,” wika ni Leon.

Tinignan ko si Leina, “Lei? Pwede bang ikaw na lang ang kumuha ng number?”

“Ako ang in-charge sa sound effects. I can’t leave the school.”

Kay Gene naman ako bumaling ng tingin at pagkatapos ay kay Celine.

“Crystal, hindi tayo lahat pwedeng umalis kasi may trick-or-treat and awarding pa mamaya,” sagot ni Gene, “Bakit hindi mo na lang kunin bukas?”

“I really need to get answers tonight. Kapag nagpakita ulit sa akin yung babaeng multo na yon, mababaliw na talaga ako! Wala pa naman akong kasama sa kwarto ngayong gabi. May sleepover si Mika.”

“May naisip ako,” excited na sinabi ni Leina, “Why don’t we have a sleepover at Crystal’s house, girls?”

“Gusto ko yan!”

“Exciting!” Sinegundahan nina Gene at Celine ang suggestion ni Leina.

“Paano naman ako? Exclusively for girls lang ba ang sleepover?” Nagreklamo na naman si Leon.

“Don’t worry. Kilala ka naman ni mommy. I’ll have her prepare the other room for you.”

“Huwag!!!” Halos mabingi ako sa sigaw nilang lahat.

“I just remembered, may gagawin pala ako tonight,” sambit ni Leon.

Biglang nag-ring ang school bell, hudyat na patapos na ang oras ng potluck. Naisip kong i-text si Mika para siya na lang ang papuntahin ko sa ukay-ukay.

b

a.jpg

b

Ang pinaka-highlight ng event ay ang trick-or-treat. Pagkatapos ng potluck, kanya-kanyang tago ang mga teachers and staff sa kani-kanilang posts para simulan na ang trick-or-treat. Magkasama kami ni Leina sa isang classroom, samantalang sina Leon, Gene at Celine naman ay nasa ibang classrooms.

All lights were turned off and the school bell was rung. Nag-umpisa ng magdagsaan ang mga estudyante sa ibat-ibang classrooms dala ang kanilang mga flashlights at trick-or-treat baskets.

Pinakahuli ang classroom kung saan kami nagtatago ni Leina kaya halos limang minuto pa bago ito dagsain ng mga trick-or-treaters.

“Lei, na-sa-suffocate ako. Tumabi ka nga ng konti!” Nasa ilalim kami ng teacher’s desk ni Leina at maliit lang ang space para sa aming dalawa.

“Ang arte naman nito,” sagot ni Leina. “Lilipat na nga lang ako!”

Naririnig na namin ang tilian ng mga bata sa kalapit na classrooms, kaya nanahimik na kami at handang-handa na para gulatin ang mga paparating.

Bumalik si Leina sa tabi ko. “Ano ba, Leina? Tumabi ka nga!” Hindi siya sumasagot. “Ano, ako na lang ang lili…”

Hinawakan ni Leina ang bibig ko ng pagka-higpit-higpit. Hindi ako makapagsalita. Hinila niya ako palabas ng mesa. Nang masilayan ko siya sa kakaunting liwanag na nanggagaling sa flashlights ng mga batang paparating, na-realize ko kung sino iyon. Hindi si Leina, kundi ang babaeng naka-traje de boda! Humawak ako sa paanan ng mesa pero sa lakas ng pagkaladkad sa akin ng multo ay bumitaw din ako. Dinala niya ako papunta sa isang madilim na lugar. Wala akong makita kahit ano. Wala akong marinig kundi ang aking pagsigaw at pag-iyak. Malamig, malamig na malamig ang pakiramdam ko at para akong nakalutang sa kawalan. Maya-maya ay naramdaman ko ang kanyang mga matatalim na kuko na bumabaon sa aking dibdib. Ang sakit, sobrang sakit. Naninikip na ang aking dibdib. Hindi na ako makahinga. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko ang paghagulgol ng babae. Pagkatapos ay nagngingitngit sa galit siyang sumigaw ng, “Hindi ka nila kayang protektahan! Hindi sila magtatagumpay!”

4

(Photo from the movie “The Innkeepers”)

Advertisements

Tell me what you think... ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s